Manix Abrera on writer’s block and his first paid stint as an artist

ManixIn the first installment of this two-part interview, comic book artist Manix Abrera shares his first paid stint as an artist, how he deals with writer’s block, and how he started Kikomachine Komix!

But first, an introduction.

MA: Hi ako si Manix Abrera, isang comics artist. Gumagawa ako ng Kikomachine Komix! Daily siyang lumalabas sa Philippine Daily Inquirer (Inquirer)—mga 16 years ko na yata siyang ginagawa. Meron din akong weekly comics sa GMA News Hardcore! na tungkol sa buhay ng isang journalist. May iba pa akong projects na pansarili, na lumalabas bilang libro, ‘yung mga wordless komics.

Cotonerd: What was your first paid job as an illustrator?

Manix Abrera: Kailangan bang seryoso, o hindi naman?

C: Hindi naman.

MA: Nung Grade Three or Four ako, nag-drawing ako ng Lamborghini. Tapos pinakita ko sa classmates ko. Sabi nila ang ganda niyan, bibili ako, ipa-xerox mo. Pina-xerox ko ng marami, tapos binenta ko ng two or three pesos. Ang dami kong pera! Tapos nakita nung teacher na nagbebenta ako, eh bawal daw. Pinasoli niya lahat ng mga pera nila. Nakalibre pa sila ng drawing ko. *laughs*

‘Yun ang first ever paid job bilang artist. Proud na proud ako nun.

Bilang propesyunal naman, buong college life ko kasi, nasa Philippine Collegian ako. Nung second year college kami, sinubukan naming magba-barkada na magpasa ng comic strips sa Inquirer. Tapos na-tsambahan, nakuha kami. So second year college, nag-start na ‘yung Kikomachine Komix! sa Inquirer.

C: As a professional artist today, what does your typical day look like?

MA: Iba-iba eh. Pagkagising ko sa umaga, magpa-pray muna ako. Tapos tutulong ako sa kapwa, sa mga matatanda, ‘yung mga tumatawid sa kalsada.

C: ‘Yung walang echos.

MA: Hindi joke lang. Sobrang iba-iba. Kasi iniiwasan ko rin ‘yung routine. Basta umaga, minsan nagbi-bike ako. Madalas kasi nasa Baguio ako. Minsan manunundok. Basta iba-iba. Tapos hapon hanggang gabi, ‘yun na ‘yung drawing mode ko. Mas nakakapag-drawing ako kapag gabi eh.

Kapag marami akong gustong i-drawing, hanggang hatinggabi. Kapag lampas midnight na, iba na yung utak ko. Tuluy-tuloy na yan na matindi.

Minsan may mga araw na makakagawa ako ng isa[ng comic strip]. Dalawa yung normal ko. Kapag naka-tatlo ako sa isang araw, ang saya ko na niyan, kasi kinabukasan pwedeng hindi na ako mag-drawing.

Ang ginawa ko sa sarili ko, two weeks in advance ang paggawa ko ng comics sa dyaryo, so ‘yung ginagawa kong komiks this week, in two weeks pa siya lalabas. Para relax lang.

Kapag may time pa ako, after kong gawin ‘yung mga trabaho kong may deadline, ginagawa ko ‘yung mga ibang projects ko, ‘yung mga wordless comics ko na gusto kong isulat talaga.

C: Do you draw every day?

MA: Siguro sa isang week, mga isa o dalawang araw lang akong hindi nagda-drawing. Medyo nagui-guilty pa ako nun, kasi sobrang saya ko kapag nagdo-drawing.  Lagi rin akong may notebook. Dun ko sinusulat ‘yung mga ideas ko.

C: Do you ever get writer’s block?

MA: Oo, nagkaka-writer’s block ako. May mga araw na talagang kahit anong pilit ko, kahit anong piga ko sa utak ko, wala talaga. Kapag may nagawa ako, sobrang pangit. Kapag nabasa ko siya bukas, parang ayokong i-publish.

Sabi ng tatay ko [comic book artist Jess Abrera], kapag may writer’s block, ka, wag mo nang pilitin kasi pangit din yung magagawa mo. Ibig sabihin napapagod ‘yung utak mo. Kailangan mo lang gumawa ng ibang bagay. Maglakad-lakad ka, magbisikleta ka, makipag-kwentuhan ka. Basta gumawa ka ng ibang bagay na walang kinalaman sa art mo. Tapos parang magic na lang ‘yan, biglang bukas, okay na ulit.

Tapos may kabaliktaran din ‘yang writer’s block eh. May mga araw na biglang ang daming mong naiisip. Hindi ko pinapakawalan ‘yun. Isusulat ko yun lahat, kahit keywords lang. So kapag wala akong maisip talaga, may notes ako na magsa-save sa ‘kin.

C: Some writers use writer’s block as an excuse. So when is it writer’s block and when is it just…?

MA: Hindi ko rin masabi kasi minsan may arte rin akong ganyan. Writer’s block, pero totoo, tinatamad lang ako. Ito natutunan ko sa tatay ko, napaka-importanteng disiplinado ka talaga.

May mga times talaga na nakakatamad, wala akong inspirasyon, wala ako sa mood. Hindi ako gagawa. Pero dapat kontrolado mo ‘yun eh. Dapat hindi ka nagpapakain sa ganoong echos.

Lalo na kung may deadline. Kaya unang-una kong in-achieve ay kalimutan yung mood ko. Dahil kailangan may magawa akong maganda, na aabot sa deadline.

C: What advice do you have for those who don’t have deadlines?

MA: Hindi ko kayang makapagsalita para sa lahat. May mga kaibigan akong artists, kapag malapit na yung deadline, dun sila pinakamagaling. Kapag malayo pa, parang olats yung work nila. Pero kapag malapit na yung deadline, biglang parang nasa alpha brain wave state na sila, iba na ‘yung work nila. Pero ako, nase-stress ako kapag ganun. Dapat mga one or two days, relax na lang ako.

So mahalagang maranasan mo lahat. Gumawa ka ng malapit sa deadline. Gumawa ka ng matagal pa. So para sa kin ang mahalaga, kilalanin mo ‘yung sarili mo bilang artist. END. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s